Tuesday, April 20, 2010

Speech for the senior citizen

SPEECH FOR SENIOR CITIZEN
• Taong 2007, 2875 ang bilang ng rehistradong Senior Citizen sa Ciudad ng Tayabas.

• December 19, 2007 ng ianunsyo ang plano magbibigay ng Birthday cash gift sa mga rehistradong Senior Citizen ng Tayabas, walang halaga tinutukoy sapagkat gusto naming maigi-iging halaga ang kauna-unahang pagkakaloob na Birthday Cash Gift. Nalaman rin na napakalaki ng kakailanganin paghahanap buhay upang makatugon sa anunsyong sinalita. Salamat sa Diyos at sa mga negosyante at mga mamamayanang Tayabasin at di- Tayabasin na nagbalik kumpiyansa upang tumupad at muling tumupad sa kanilang mga obligasyong buwis at bayarin sa ating pamahalaang local ng Tayabas.


• Ngayong kasalukuyang taon 2008, ayon sa talaan hanggang June ay nadagdagan ng halagang P 1, 548,508.00 ang koleksyon sa business permit kumpara noong 2007 at 625 ang bilang ng mga mamumuhunan na napadagdag na nag-invest sa ating Ciudad.

• Mataas ang kumpiyansa na lubusang maitataguyod hanggang sa Disyembre ng taong ito ang nauna ng tinanggap ng mga Senior Citizen ng Tayabas na halagang 500 piso. Dahil dito kung may ilan pang nakatatanda na ipinagkikibit balikat ang pagkuha ng senior citizen card ay “JOKE”. Ngayon po ay Aguyod ang pagkuha ng kanilang senior citizen card kaya tinatantiya na aabot sa 3665 ang miyembro sa taong ito.

• Mayroon na tayong 3 espesyalitang doctor na lingo-lingo ay magbibigay ng libreng consulaltation sa inyong Brgy. Health Station na nakakasakop sa inyo. Ito po ay libre at mayroon pang follow-up check up. Si Dr. Jun Oabel na isang internist ay higit nyo pong pakikinabangan, Dr. Love de Jesus Oabel isang Pediatrician para po naman sa inyong mga apo at Dr. Baby Derada de Leon ay isang Ob-gyne . Kung sila po ay inyong kailangan magpa- appointment lang po sa inyong mga midwife o nurse.

• Mayroon din tatlong Dentista si Dr. Jojo Dael, Dr. Jojo Maaño at Dra. Mildred Rubio para sa konsulta ng inyong mga gilagid at ngipin, pero kung kayo ay nakapaladar na ay wala ng magagawa. Mayron din libreng pagpapasuri ng dugo, isang beses isang taon.

• Sa panahon po ngayon ay nagpapahiram tayo ng puhunan ng walang tubo. Ito po ay para sa inyo o kung hindi man kayo ay ang inyong anak o apo.

• At ang kauna-unahang patimpalak ng paghahalamang organiko na magbibigay sa inyo ng karagdagan pagkukunan ng pagkain at pwede pa kayong magka-premyo.

• Taon-taon na nating gagawin ang natatanging lola tuwing Agosto. Ang inyong pakiki-isa sa ibat-ibang okasyon at mga celebration ang lagi pa ring inaasahan.

• Huwag nating kalilimutan na ang lahat po ng ito ay nakayanan gampanan dahil sa masidhi ding suporta at pagsang-ayon ni Vice-Mayor Brando Rea, Kgwd. Luz Cuadra, Kgwd. Telet Zeta, Kgwd. Dino Romero, ABC-President Estelito Querubin at SKF-President Lyka Oabel.

• Minsan ay may nagtatanong, lilima po ba ang kagawad ng Tayabas? Sapagkat sila lang po ang dumadalo sa Sesyon at sila lang po ang naninindigan upang ang mga programang ito ay aking maisakatuparan.

• Naniniwala po ako na si Mayor Dondi Silang kasama si Vice Mayor Brando, at ang limang kagawad na sina Luz Cuadra, Kgwd. Telet Zeta, Kgwd. Dino Romero, ABC-President Estelito Querubin at SKF-President Lyka Oabel, mabigat man ang gawain ay gagaan kapag ang mga senior citizen ng cuidad ng Tayabas ay kaagapay at Usong-Usong tayo sa mabilis na pagpapaunlad ng Lungsod ng Tayabas.

• Mabuhay ang mga Senior Citizen ng Tayabas sa pamumuno ni G. Aristeo Palad, ng kanyang mga opisyales at mga Kawan Leaders!

• God Bless the New City of Tayabas.

No comments: