Tuesday, April 20, 2010

Mayor Dondi Silang

Nagsimulang manungkulan bilang punong bayan noong 1988si dating Mayor Boy Sumilang at natapos ang isang termino (10 years) Elevated to 1st class municipality noong 2000,unang iniaplly ni dating punong bayan Boy Sumilang ang Tayabas upang maging siyudad.
• Noong bumalik sa panunungkulan noong 2001, nadiskubre na hindi umusad sa kongreso ang application for cityhood kaya ito ay inire-file niya sa panahon ng kanyang panunungkulan noong 2001.
• Tahimik siyang humarap samga Congressoinal Committee Meeting upang lakarin at maipwera ang tayabas sa bagong batas na nagtataas ng income bracket sa 100M.
• Naipasa sa Congress ang exemption at kasama ng iba pang punhong bayan na may aplikasyon sa pagiging siyudad ay dinala sa senado.
• Siya rin ang dumalo sa unang committee hearing sa pamumuno ng nasirang Sen.Robert Barbers for Cityhood Bill Senate.
• Sa kasamaang palad,natalo sya sa di inaansahang pangyayari noong election 2004,ang aplikasyon ay patuloy na dinaluhan ng dating punong bayan Viring Nandress.Ang pagpapasa ng RA 9398 “An Act Converting The City Of Tayabas Into A Component City” sa ilalim ng komitiba ni dating senator Alfredo Lim.
• Naipasa at isinumite sa Office of the President. Lumipas ang takdang araw na hindi nalagdaan ni President Gloria Macapagal Arroyo ang RA 9398 kaya ito ay nalapsed into Law.
• Noong 2007, madaling napagtagumpayan ni Mayor Dondi Silang ang eleksyon noong Mayo 14.Siya ay nakatanggap ng hyumigit kumulang na 18,000 na boto.Ang pinakamataas sa kasaysayan ng eleksyon sa tayabas.Nagsimula siyang manungkulan noong tanghali ng hunyo 30, 2007, araw ng sabado.
• Ilang araw ang nakalipas at noong hulyo 14, 2007 ay isinagawa ang plebisito upang ratifikan ang RA 9398. “An An Act Converting The City Of Tayabas Into A Component City”.
• Sa ganap na 10:30 ng gabi ng araw ding iyon, ay ipinoroklama ang Tayabas bilang bagong Component City dahil sa botong 8820 YES VOTES kumpara sa 900 NO VOTES, ang mga botong ito ay kumakatawan sa 23% of the total voting population.
• Noong hulyo 16, 2007, natatala na sa pahina ng kasaysayan si Mayor Dondi Silang bilang kahuli-hulihang punong bayan ng tayabas at ang kauna-unahang punong lungsod ng tayabas…….Mayor Dondi Alandy Silang!
• Sa unang 6 na buwan, maraming pagrerebisa ng lahat ng papeles at dokumento at transaksyon na naganap noong nakaraarng administrasyon.
• Kailangang isaayos ang mahusay na koleksyon ng buwis upang makabawi, makatugon sa bagong paghamon ng kasalukuyang panahon. Kung kaya’t noong enero 2008 ay sinimulan ko ang pagtatalaga ng Business Permit And Licensing Division Office kung saan kauna-unahan nating ginamit ang tinatawag na Tracs.
• Tracs-10M Australian Aid to 7 key cities MOA with Puerto Prinsesa Training Transfer of Technology and Expertise we only provided Honorarium and Accomodation.

ONE STOP SHOP

• Sa kabila ng pagsubok na hangarin ang pagpasa ng Annual Budget for 2008 ng 5 miyembro ng sanguniang panglungsod at sa matibay na paninindigan ni VM Brando REA at mga kagawad na sina Luz Cuadra,Dino Romero, Telet Zeta, ABC Pres.Jun Quirubin at SKF Pres. Lyka Oabel.
• Sinimulan ang kauna-unahang ONE STOP SHOP Business Permit and Licensing Division Office. Marami ang natuwa sa mabilis na proseso na kapag kumpleto ang papeles ay sobra pa ang maghapon upang ito ay matapos.Ilagay po natin sa tama ang mga bayarin. Hindi tayo nagtataas ng buwis dahil may 5 taon moratorium na ipinagbabawal ng RA 9398.
• Kaalinsabay po nito ay ipinagpatuloy ko ang LAND TAX MAPPING upang maging basehang datos o data base para sa kabuuang GEOGRAPHIC INFORMATION SYSTEM o GIS. Ano nga po ba ang GIS.
• GIS VIDEO-Sample Maps: Wakas /Ilaya at Ibabang Ilasan
• Sukat,Lokasyon at pagkakatabi-tabi ng mga Parcela ng lupa sa programang ito na nagsimula na sa BGRY.AYAAS.
• WEB SITE-di na kailangan pumunta sa opisina (Law Enforcement)
• Ngayong nasabi ko na sa inyo ang mga pagkukunan ng salapi at paano p[inalalago ng inyong lingkod ang mga salaping pumapapasok sa kabang yaman ay pag-uusapan naman natin ang mga proyektong imprastraktura na ipinagawa, at kasalukuyang ginawa at ipinagagawa pa.
• Para di maagaw ng sinuman ang karapatan ang sa ating mga tubig.

No comments: