AGUYOD FESTIVAL
Mahigt anim na milyong piso (Php6M) ang kabuuang benta ng mga maninindahan sa loob at paligid ng Aguyod Festival. Mas mataas ng tatlumpong porsyento (30%) kumpara sa ordinaryong araw.
Sa dokumentaryong survey na ginawa sa panahon ng Aguyod Festival, ang mga sumusunod na datos ay naitala:
• Pasalubong shops
• Hotels and Restaurants
• Groceries/Sari-sari
• Pansitan/ Lugawan/ Fastfoods
• Gas Stations
• Bakery/Parlor/ Shops/etc
• Wines and Liquor Shops
• Tiangge sa Palengke
17 baka at kalabaw at 193 baboy ang kinatay at naibenta sa palengke; at may 3300 hotdogs-on-sticks, 10,400 pork bbq at 8,030, 160ml ng beer ang pinagpiyestahan sa Parke Rizal.
Sa gastos na mahigit lamang isang milyong piso, ang pagdiriwang ng Aguyod ay nagbigay ng saya sa libu-libong tao, bumuhay sa mga nakakalimutan ng tradisyon, humubog at nagpakita sa talent ng mga Tayabasin; at higit sa lahat nagpaliwanag na ang ganitong gawain ay pang-turismo at pang-ekonomiya at hindi pang-pulitika lamang.
Ayon sa 69.44% ng mga Tayabasin, dapat ipagpatuloy ang pagdiriwang ng Aguyod Festival taun-taon.
Salamat Tayabasin! Kahit puyog na puyog… Tagumpay pa rin ang Aguyod!
Tuesday, April 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)
No comments:
Post a Comment