Sunday, April 18, 2010

ALCALA!Subok na!!

Ito ang mga nais ko na mangyari sa bawat bayan kung sakaling ako ay maluklok bilang kinatawan ng ating Distrito.
SAN ANTONIO:
Pagbuo ng isang organisasyon pribado man o gobyerno na siyang mangangasiwa sa pagtuturo sa ating mga kababayan na maiangat ang antas ng lahi at mas maging produktibo ang mga alagang hayop.

DOLORES:
Layunin ko na maging isa sa mga sentrong pangturismo ang bayan ng Dolores sa bansa pagdating sa larangan ng “eco-tourism” kaalinsabay ang pagpapatupad ng Banahaw Bill upang mapangalagaan ang ating likas yaman.

TIAONG:
Mas patatagin ang Southern Luzon State University na pinangunahan ni Cong. Procy Alcala. Upang maging sentro ng edukasyong pang-agrikultura ng sa ganon ay mas madali tayong makapanghikayat ng mga bagong mamumuhunan na magbibigay ng hanapbuhay.

CANDELARIA:
Mapanatiling desiccated capital ng mundo ang bayan ng Candelaria. Sapagkat marami pa din sa mga kababayan natin sa Quezon ang umaasa sa pagniniyog.
Hinahangad ko din na maging isa sa mga sentrong pangkalusugan ng lalawigan ang bayan ng Candelaria. Mula sa pagiging Candelaria Municipal Hospital nito ay maging isang ganap na District Hospital ang nasabing pagamutan.

SARIAYA:
Dahil sa tagumpay ng Sentrong Pamilihan, panahon na para pag yamanin at isulong ang “agro-industry” sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga Processing Plants para hindi masayang ang mga sobrang gulay at masiguro na mabibili ang produkto ng mga maggugulay dito. Dahil marami sa ating mga kababayan ay umaasa sa pagtatanim.


LUCENA:
Paghikayat ng mga bagong investors upang mamuhunan at lalong mapaunlad ang bayan ng Lucena. Pagkakaroon ng dayalogo sa mga kasalukuyang negosyante maliit man o malaki upang matulungan sila sa kanilang pag-asesnso. Kasama na dito ang pagsasaayos at pagpapasiglsa ng Lucena Fishing Port para sa mas madaling kalakalan ng produktong pandagat.
Makikipag ugnayan tayo sa TESDA upang mahubog ang mga kakayahang pang bokasyonal at teknikal ng mga mamamayan at pagpapalakas din natin ang Alternative Learning System (ALS) ng DepEd.
Tutulungan din natin ang Urban Poor Communities na maiayos kung hindi man ay maihanap sila ng sariling lupa.
Maliban sa mga nabangit kong bigyang prayoridad sa bawat bayan, ito ang mga karagdagang proyekto na nais kong bigyang pansin:

EDUKASYON
• Pagpapatuloy ng programang Procesong Gulay o Organic Farming sa mga eskwelahan ng Ikalawang Distrito ng Quezon.
• Pagpapatuloy at pagdaragdag ng suporta sa mga iskolars na sa ngayon ay bumibilang na sa mahigit walong daang (800) estudyante.
• Pagpapayaman at pagpapanatili ng sariling kultura at katutubong sining dito sa Quezon upang hindi ito malimot ng ating mga kabataan.
• Paglinang sa mga kabataang may potensyal sa larangan ng isports o palakasan upang maging daan para makakuha sila ng scholarship sa kolehiyo.
• Pakikipag-ugnayan sa mga munisipyo ng bawat bayan para makapagayos at makapagpagawa ng bagong Paaralang Sekondarya.

AGRIKULTURA
• Pagpapalawig at pagsasaayos ng mga irigasyon sa mga lupang sakahan.
• Pagpapatuloy ng organikong pamamaraan ng pagsasaka upang makilala ang gulay ng taga Quezon na bukod sa mura ay wala pang lason.
• Pakikipagtulungan sa Philippine Coconut Authority para sa Coconut Rehabilitation. Ayon sa statistika 20 milyong Pilipino ang nakikinabang sa pagniniyog at kabilang dito ang ating mga kadistrito.
• Pagpapaigting ng programa sa Aqua Culture sa mga Barangay na malapit sa dagat at mga ilog.

KALUSUGAN
• Pagsasagawa ng Feeding Programs sa pakikipagtulungan na rin sa mga NGO’s, sangay ng pamahalaan, at mga eskwelahan. Dahil ang batang ay malusog ay madaling matuto.
• Patuloy na paglalaan ng regular na pondo sa mga pampublikong ospital tulad ng Philippine Children’s Medical Center, East Avenue Medical Center, Philippine General Hospital, National Kidney Institute, Philippine Heart Center, Philippine Lung Center upang makatulong na mabigyan sila ng atensyong medikal ang ating mga kababayan.
• Pagpapalakas ng mga Barangay Health Workers sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag kaalaman at gamit.

LINGKOD PANLIPUNAN/ SOCIAL SERVICES
• Pagdaragdag ng mga miyembro at benepisyo ng Green Card na sa ngayon ay may kabuuang bilang na 18,000 miyembro sa buong distrito.
• Pagsuporta sa mga programa para sa Senior Citizens.
• Pagpapalakas at pagtulong ng mga Kooperatiba.

IMPRASTRAKTURA
• Patuloy na pagpapagawa at pagsasaayos ng Farm to Market Roads.
• Pagbutas sa mga kalye na maguugnay sa mga Baranggay upang maging madali ang pag byahe ng mga produkto.
• Pagaayos ng daan sa Sariaya dahil sa napapansin nating paglala ng trapiko sa lugar.

LEGISLATIVE AGENDA
Batid ng inyong lingkod na ang tunay na trabaho ng isang kongresista ay maghain ng Panukalang Batas na makakatulong sa bayan. Ang inyong lingkod ay handang magpanukala at sumuporta para maisabatas ang mga sumusunod:
• Open High School System Act na naglalayong ang edukasyong sekondarya ay makuha ng mas nakararaming kabataan at hindi maging hadlang ang kakulangan ng silid-aralan, panggastos at guro.
• National Student Loan Program para makatulong sa matrikula ng mga nangangailangan na makapag aral.
• Resolusyon upang magkaroon ng malinaw na ukol sa Coco Levy dahil malaking porsyento ng taga Quezon, lalo na ang mga magniniyog ang makikinabang dito.
• Reforestation ng Bundok Banahaw.
• Pagrebisa ng Fisheries Code dahil marami sa mga probisyon ng batas na ito ay hindi na naaayon sa kasalukuyang panahon.
• Hazardous & Radioactive Wastes Management Act upang maiwasan ang mga lason na nagdudulot ng karamdaman sa ating kapaligiran at kalusugan.
• Pagtatalaga ng mga Legal Representation sa lahat ng embassy para may mahingan ng tulong at mag protekta sa mga OFW sa iba’t- ibang bansa.
Ito po ang aking munting pangarap para sa ating distrito na maaring maisakatuparan kung ako po’y inyong pagkakatiwalaan tulad ng suportang ibinigay nyo sa aking ama sa mga nakalipas na panahon. Kasama ang iba pang lokal na kandidato.

SAMAHAN NYO AKO AT TULUNGAN UPANG
PATULOY NA UMASENSO ANG ATING DISTRITO!

SINO BA SI IRVIN MAAÑO ALCALA?
Si Irvin Maaño Alcala ay pangalawa at nag-iisang lalaki si Irvin sa tatlong anak ng mag-asawang Engr. Proceso Jaraza Alcala at ng kanyang may bahay na si Corazon Asuncion Gocon Maaño. Nag-aral ng elementarya at sekondarya si Irvin sa Maryhill Academy at nakapagtapos ng kursong Inhinyero Sibil sa Mapua Institute of Technology taong 2000.
Napangasawa ni Irvin si Mimilanie Tadiosa at mapalad na nabiyayaan ng dalawang anak na sila Theoden Benedict T. Alcala, 4 na taon at Thor Benedict T. Alcala, 5 buwan.
Hindi lumaki sa luho si Irvin sa katunayan bata pa lamang siya ay natuto na syang maging masinop sa pamamagitan ng pagpasok bilang timekeeper sa kanilang maliit na kumpanya tuwing bakasyon at ang kanyang kinikita mula dito ang kanyang iniipon upang maipangbili ng bagong sapatos na pamasok sa pagbubukas ng klase sa kasunod na taon.
Nang makapagtapos siya ng kolehiyo ay agad niyang inasikaso ang kanilang munting negosyo at tumulong siya sa kanyang mga magulang upang patakbuhin ito. Ilan sa mga nagawang proyekto ni Irvin ay ang mga gusali ng Medical Arts Building ng Doctors Hospital, QMMG Medical Plaza, Maryhill College Extension, at La Suerte Mega Warehouse.
Dahil sa pagkakaluklok bilang kinatawan ng kanyang ama, hindi nalingid kay Irvin ang mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan na lalo pa niyang naramdaman ng maging aktibo siyang kasapi ng Rotary Club of Lucena South. Ang pagsali ni Irvin sa nasabing organisasyon ang nagbukas sa kanyang kamalayan upang maging isang ganap at tapat na tagapaglingkod sa kominidad.
Bagamat hindi siya naging pulitiko, nakatatak kay Irvin ang pangalang Alcala na walang bahid ng kasamaan sa paglilingkod sa bayan .
Dahil kapag ALCALA, SUBOK NA!

No comments: